Masama ang gising ko... Mag-a-alas tres na nang ako'y makatulog at alas otso pa lamang ay nagising na ako sa nakakairitang init ng araw. Nakakasama ng pakiramdam. Dahilan upang hindi maging kaaya-aya ang aking umaga.
Nakahain na ang aking almusal sa hapagkainan. Tinikman ko ng isang beses ang aking pagkaing omelette at sinangag. Walang lasa. Nakakasuka. Masama ang aking panlasa. Pinili ko na lamang ang hindi kumain. Ininom ko na lamang ang aking tsokolate.
Humiga muna ako panandalian sa sala dahil sumasama lamang ang pakiramdam ko sa aking silid. Nakinig ng radyo. At ang nakakatuwang sila Nicole Hyala at Chris Tsuper ang sakto kong napakinggan. Tama na sana ngunit bigla nilang napag-usapan ang sex scandal na sa aking palagay ay masyadong overrated at OA. Pinatay ko na ang radyo. Nakakasawa.
Umidlip ako panandalian ngunit hindi ko nagustuhan ang aking pag-idlip. Hindi kasinlambot ng kama ko ang sofa. Nakakasakit ng likuran.
Tumayo ako at nagbasa na lamang ng aklat. Nakakatuwa at nakakaaliw.
Mula sa pagbabasa'y pinili ko na rin sa wakas ang kumain dahil kumakalam na ang aking sikmura. Hindi ko alam ngunit kumuha ako ng juice sa refrigerator at nang aking inumin ito'y nasamaan ako sa lasa. Lasang alak. Kumuha ako ng tubig. Lasang alak pa rin. Nawalan ako ng gana sa aking kinakain. Nakawawalang-gana.
Pumunta na lamang ulit ako sa aking silid at baka mas matiis ko pa ang init na sintalim ng mga karayom sa tuwing ito'y dadapo sa aking balat.
Marahil ay ganito talaga ang pakiramdam ng isang Layout editor na naiinis sa mga taong ginagawan nya ng yearbook ngunit hindi alam ang kahulugan ng salitang kooperasyon, tulong at utang na loob. Siguro'y ganito ang pakiramdam ng isang taong naiinis sa mga taong tinutulungan mo ngunit hindi naman nila alam kung paano tulungan ang mga sarili nila. O siguro ay ganito ang pakiramdam ng isang taong walang sapat na tulog.
Bahala na.
2009-05-26
Distasteful
Posted by Aaron Lee Amarga at 10:08:00 PM 0 comments
2009-05-25
2009-05-21
Angels and Demonssssssss!!!
| Category: | Movies |
| Genre: | Mystery & Suspense |
Amazing. Wala na kong ibang masasabi :D
For me the movie was fascinating and breathtaking. Full of actions unlike Dan Brown's first. In this movie, they are not just the mysteries but also actions and all. I really like the way they did the twists and changes.
Well, changes, maraming nabago, even the small details. Kohler and Leonardo weren't present in the movie (or si Leonardo na ba yung nasa start? Maybe they only focused on the actions that was due to the threat of the bomb. Also, i like the way they changed the end of the story. A little complicated for those who haven't read the book. At hindi rin kasi ako fan nung ending ni Dan Brown. What, two popes in a small period of time? Come on.
But one loophole that I saw is the beginning. Isipin niyo, namatay si Leonardo, sa loob ng secured private quarter of the facility where the canisters containing the antimatters were hidden. At andun lang sya forever hanggang mabuo yung antimatter dba dba? Tapos, when Vittoria went to visit the physicist, may dugo na yung retina scanner. Then Vittoria entered the quarter at may nakita syang eyeball. At nasa loob yung physicist, dead. So, sa paanong paraan muna nakapasok si Illuminatus guy para kunin yung eyeball nung physicist? Haha. anlabo. Basta pano sya nakapasok dun kung nasa loob naman forever si physicist? Pero baka naiexplain ng movie yun. Probable scenario: Lumabas si physicist, kinuha yung eyeball, scan, and then dnrag papasok si physicist. Pero, asan ang dugo sa sahig? WALA.
Yun lang! Pero all in all the movie was great :D
Posted by Aaron Lee Amarga at 11:00:00 AM 0 comments
2009-05-01
Feels like committing a suicide
Where the hell would I get that amount? Oh God, please. Help me :(
Posted by Aaron Lee Amarga at 12:55:00 PM 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)


